Martes, Nobyembre 10, 2015

kulam o isang uri ng sakit?

Pano mo ba masasabing sakit ang isang nararamdaman o nararanasan ng isang tao? Gaano ka kasigurado na ito ay hindi isang kulam? O gawa ng mapanakit na elemento na hindi natin nakikita.

Batayan sa natural na sakit.
Kapag ikaw ay may nararamdaman na mga sakit! Diba ang madalas nating ginagawa pumupunta tau agad sa mga hospital o mga clinic para mag pacheck up at pag katapos reresetahan tau ng sandamakmak na gamot minsan gumagaling tayo pero minsan din yong sakit na nararamdaman natin ay pabalik balik lang at lalo pang lumalala sa paglipas ng mga panahon.

Dahil sa moderno n ang panahon ngayon at marame ng medesina ang naglalabasan at mga teknolohiya na makabago sa pang gagamot. "Oo" nakakatulong talaga ang mga ito!

Pero pano pala kung hindi lang basta sakit ang meron ka, pano pala kung ikaw ay nakulam o nabarang may magagawa pa ba ang mga medesina. Karamihan satin ngayon ay puro laking maynila na kaya hindi na alam kung ano ba ang kulam o barang at pano ito nagsisimula at bakit kailangan mangulam o bakit ka kinukulam yan ang madalas na tanong ng mga taong walang alam sa mga kulam o barang

Pano mo ba malalaman kung ikaw ay kinukulam o binabarang?

*hindi maipaliwanag nasakit
Kapag nagpupunta tayo sa mga hospital minsan ang nangyayari hindi nila makita kung anong sakit ang meron ka! Dahil pag susuriin nila ang isang pasyente na kinulam ang lalabas lagi sa mga result e'ok naman.


*Mga insekto sa katawan
 Minsan may mga insekto sa katawan na lumalabas pero hindi lang pangkaraniwang insekto ang makikita dito o di kaya'y minsan susuka ng mabahong amoy.

*Mga sugat
Tinutuboan ng maraming sugat na hindi naman alam kung saan nakuha o pano nagsimula.

*Pagiging balisa 
Nagiging balisa ang mga taong kinukulam at madalas na binabangungot ito. Lalo na kung yong kumukulam sa kanya ay gusto siyang pahirapan.
Kaya dinadaan nya ito sa panaginip para ang taong kinukulam nya ay unti unting bumigay ang pangangatawan

Mapapansin nyo rin na may laging itim na pusa o itim na aso sa labas ng bahay nyo o dikaya'y minsan paaligid aligid lang ito sa labas ng bahay nyo!! Naghihintay lang na mawalan na ng buhay ang taong kinukulam.